Martial Law malaking bagay kaya nadakip ang Maute relatives na nagtangkang lumabas sa Marawi City

download
courtesy of wikipedia.org

Hindi sana nadakip ang ilang Maute relatives na nagtangkang tumakas sa Marawi City kung hindi idineklara ang Martial Law sa buong Mindanao.

Sa panayam ng Saganang Mamamayan sinabi ni dating MMDA Chairman Francis Tolentino , tama lamang ang ginawang deklarasyon ng Martial Law dahil naging alerto ang militar sa kanilang mga checkpoint kaya naagapan ang paglabas ng mga Maute member at maging ng mga kamag anak ng mga ito.

Aniya kung nilimitahan lamang sa Marawi ang Martial Law ay kakailanganin pa ng search warrant o iba pang dokumento para madakip ang ibang galamay ng Maute group na nadakip sa ibat ibang lugar sa Mindanao.

Ulat ni: Marinell Ochoa

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *