Martial Law sa Mindanao, pangmatagalang solusyon ayon sa Federation of Philippine Industries
Pangmatagalang solusyon ang ideneklarang Martial Law ni Pangulong Duterte sa Mindanao.
Sa panayam ng Saganang Mamamayan sinabi ni Federation of Philippine Industries Chairman Jess Arranza , sa pamamagitan ng batas militar ay matitiyak ang seguridad ng mga mamamayan at maging ng mga investor na namumuhunan sa naturang rehiyon laban sa mga teroristang grupo.
Kasabay nito inihayag ni Arranza na makakabawi rin ang mga negosyante sa sandaling matapos na ang kaguluhan sa Mindanao.
“Kami ay pumapabor sa ideneklarang martial law sapagkat ang mga investor doon pinupugutan ng ulo , sinusunog ang mga ari-arian ang mga equipment. Ei pag ganyan sino pang investor ang papayag na mag invest para mapugutan ng ulo .but in the declaration of martial law there is hope na nakikita natin na pag ito ay naayos may paroroonan tayo ng kathimikanat yun ang mag aatract ng investor natin”. – Arranza
Dahil dito umapela si Arranza na sa halip na batikusin ang Pangulo sa mga ginagawa nitong desisyon ay dapat tulungan na lamang ang Pangulo.
Ulat ni: Marinell Ochoa