Martin Diño, tinanggal bilang SBMA Chairman
Inalisan na ng Malakanyang ng kapangyarihan ang Chairman ng Subic Bay Metropolitan Authority o SBMA.
Itoy matapos pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order number 42 na nagpapawalang bisa sa Executive number 342 na pinirmahan ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Sa ilalim ng EO number 342 magkahiwalay ang trabaho ng SBMA Chairman at SBMA administrator at sa bagong EO number 42 isasama sa trabaho ng SBMA administrator ang trabaho ng SBMA Chairman.
Sa kasalukuyan si Martin Diño ang kasalukuyang SBMA Chairman at si Wilma Eisma ang SBMA administrator.
Sina Diño at Eisma ay hindi magkasundo sa pamamalakad sa SBMA.
Lumilitaw sa letra ng EO 42 mawawalan ng kapangyarihan si Diño at malilipat kay Eisma ang trabaho ng Chairman at Administrator ng SBMA.
ulat ni Vic Somintac