Mas maayos na rehabilitasyon sa Marawi City, ipinangako ng DPWH
Nangako ang Department of Public Works and Highways na mas maayos at mas mabilis ang isasagawang rehabilitasyon sa Marawi City kumpara sa operasyon nang tumama ang bagyong Yolanda sa Visayas.
Sa palace briefing, inihayag ni Public Works Secretary Mark Villar ang pagkadismaya sa mga palpak na nagawa sa Tacloban City at hindi na aniya ito mauulit.
Dagdag pa ng kalihim, buo na ang master plan para sa rehabilitasyon sa Lungsod.
Nakikipag-ugnayan na aniya ang ahensya sa ARMM upang mas mapadali ang implementasyon ng operasyon.
Tiniyak rin aniya ng gobyerno na mauna ang mga pangkaraniwang pangangailangan ng mga evacuees o bakwit tulad ng tubig at kuryente.
Samantala, aabot sa ₱20 bilyon ang ilalaan ng gobyerno para sa Marawi rehabilitation.