Mas mabilis na internet speed, sumalubong sa pagsisimula ng Marcos Admin
Sinalubong ng mas mabilis na internet download speed kapwa sa fixed broadband at mobile ang pag- upo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Batay na rin ito sa report ng Ookla Speedtest Global Index para sa buwan ng Hunyo.
Ayon sa Ookla report, ang fixed broadband median noong Hunyo ay tumaas sa 68.94Mbps mula sa dating 60.09Mbps noong Mayo.
Umabot naman sa 94.66Mbps ang average download speed para sa fixed broadband.
Ang mobile median naman, mula sa dating 19.26Mbps ay tumaas sa 21.41Mbps download speed.
Habang ang average mobile download speed naman ay umabot sa 50.57Mbps.
Isa ang pagpapabuti sa internet speed sa bansa sa marching orders ni Pangulong Marcos pag-upo nito sa pwesto.
Kasunod naman ng ulat na papasok sa bansa ang Starlink ni Elon Musk, inaasahang papalo sa 100Mbps hanggang 200Mbps ang download speed sa bansa.
Madelyn Moratillo