Mas mahigpit na Community Quarantine hindi pa kailangan – DOH
Hindi pa kailangang magpatupad ng “time out” o mas mahigpit na Community Quarantine.
Ito ang iginiit ni Health Usec Ma. Rosario Vergeire sa kabila ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 na naitatala sa bansa nitong mga nakalipas na araw.
Paliwanag ni Vergeire, nakipag-usap na sila sa ibat ibang ahensya ng gobyerno, mga ospital at mga lokal na pamahalaan kung pano ito masososlusyunan.
Sa ngayon ang kailangan aniya ay maging balanse ang lahat.
Binuhay rin aniyang muli ng DOH ang One Hospital Command system at Oplan Kalinga.
Sa ilalim ng sistema ng One Hospital Command ay maiiwasan aniyang mapuno ang mga ospital at magkaroon ng patas na distribusyon ng mga pasyente.
Habang sa pamamagitan naman ng Oplan Kalinga, ang mga pasyente na asymptomatic at mild na pwede naman sa mga temporary treatment facilities ay doon ililipat sa halip na sa mga ospital.
Madz Moratillo