Mas mahigpit na parusa sa indiscriminate firing, napapanahon nang isabatas
Napapanahon nang magpasa ng batas para sa mas mahigpit na parusa laban sa mga walang habas na nagpapaputok ng baril.
Ito ay sa harap ng mga napapaulat na walang habas na pamamaril kung saan may mga inosenteng nabibiktima.
Lusot na sa ikatlong pagbasa ang panukala ni Senador Sherwin Gatchalian na mag-aamyenda sa Revised Penal Code at papatawan ng mas mabigat na parusa ng hanggang anim na taonng pagkakabilanggo ang mga sangkot sa indiscriminate firing.
Mas mabigat na parusa naman ang maaaring ipataw sa mga miyembro ng pulis, militar, military auxiliary agencies at iba pang law enforcement agency na nasasangkot sa indiscriminate firing.
Bukod kasi sa pagkakabilanggo, maaari silang kasuhan ng administratibo bukod pa sa pagpapawalang-bisa ng kanilang lisensiya sa paggamit ng baril at ito ay epektibo habambuhay.
Meanne Corvera