Mas mainit na panahon, asahan ngayong Mayo – PagAsa

 

Nagbabala ang Pag-Asa sa publiko sa malaking posibilidad ng heat stroke at iba pang mga kahalintulad na sakit dahil sa inaasahang mas mainit na panahon ngayong Mayo.

Ayon sa weather bureau,  mas magiging mainit ang panahon sa susunod na buwan at hindi pa umano nararanasan ang pinakamalalang init ng panahon sa ngayon.

Posibleng umabot  umano ang forecast maximum temperature sa Northern Luzon sa  sa 39.6 degrees celsius.

Dahil dito nag-abiso  ang Pag-Asa sa publiko na uminom ng mas maraming tubig at magsuot ng mga damit na may light colors.

Samantala, inaasahan ng weather bureau ang normal na pagsisimula ng tag-ulan ngayong taon.

Nasa isa o dalawang bagyo ang inaasahang papasok sa bansa sa Mayo at ang pagpasok ng bagyo ay maaaring maging dahilan ng pagpasok naman ng tag-ulan.

 

=================

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *