Mas malakas na internet maaari nang mapakinabangan sa susunod na taon
Simula sa susunod taon, asahan na ang mas mabilis at magandang internet service lalu na sa mga malalayong probinsiya.
Ayo kay Senador Sonny Angara, ito ay dahil may inilaan nang pondo ang Kongreso par sa first phase ng National Broadband program ng Department of Information and Communications Technology (DICT).
Ayon kay Angara, mula sa 902 million na inirekomendang pondo ng Malakanyang, dinoble ito ng Kongreso at ginawang 1.9 billion para sa nasabing proyekto.
Hiwalay pa aniya ito sa 250 milyong pondo para sa implementasyin ng free wifi sa mga pampublikong lugar at mga State Colleges and Universities.
Umaasa ang Senador na sakaling masimulan na ang National Broadband program, maaaring makatulong ito para makakuha ng mas maraming negosyo at trabaho.