Mas marami pang toll plaza magpapatupad ng cashless transactions simula sa Setyembre 8

Photo courtesy of pna.gov.ph

Mas marami pang toll plazas sa mga expressway sa Luzon ang magpapatupad ng cashless collection para sa second batch ng dalawang buwang dry run simula sa Setyembre 8.

Sinabi ng Toll Regulatory Board (TRB), isang attached agency ng Department of Transportation, na ang dry run ay isang mahalagang pamamaraan upang matiyak ang kahandaan ng tollway concessionaires at operators ng mga expressway, para sa maayos at epektibong implementasyon ng programa.

Sa isang advisory, ay itinala ng TRB ang dagdag na toll plazas na makikilahok sa dry run, at ito ay ang mga sumusunod:

Autosweep subscribers
NAIA Expressway (NAIAX)
– NAIAX Road B
South Metro Manila Skyway Stage 1&2
– Merville Toll Plaza
– Sucat SB and NB Exit
– Bicutan SB and NB Entry
Metro Manila Skyway Stage 3
– Buendia NB Entry
– Plaza Dilao Toll Plaza
– Quezon Ave. SB Entry
South Luzon Expressway (SLEX)
– Eton SB and NB Entry/Exit
– Cabuyao SB Entry
– Alabang SB and NB Entry/Exit
– Batino SB Exit
– Calamba Turbina A NB Entry
STAR Tollway
– Sto. Tomas NB Entry
Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX)
– Anao Toll Plaza
– Pura Toll Plaza
– Pozzorubio Toll Plaza

Tanging ang mga piling toll plaza lamang ang lalahok sa dry run na ipatutupad by batches.

Ang dry run para sa cashless toll collections sa mga piling toll plaza ay nagsimula noong Setyembre uno.

Ang non-participating toll plazas naman ay patuloy na mangongolekta ng toll fees sa pamamagitan ng RFID (Radio Frequency Identification) lanes at cash lanes.

Una nang sinabi ni TRB spokesperson Julius Corpuz, na maayos naman ang paunang implementasyon ng dry run.

Aniya, ang mga motoristang walang RFID stickers ay ituturo sa isang lokasyon kung saan ang toll fees ay babayaran ng cash.

Ang cash payment ng toll fees ay papayagan pa rin sa panahon ng dry run, subalit ang mga motorista ay hinihimok na lumipat na sa paggamit ng RFID para sa mas mabilis at kumbinyenteng pagpasok at paglabas sa mga toll plaza.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *