Mas maraming lugar na hinagupit ng bagyo posibleng magkaroon na ng suplay ng kuryente sa December 25
Kumpiyansa ang Department of Energy na maibabalik na ang suplay ng kuryente sa maraming lugar na hinagupit ng bagyong odette sa sabado, December 25.
Ayon kay Energy Undersecretary Felix William Fuentebella sa ngayon kasi ay halos narestore na ng National Grid Corporation of the Philippines ang 80 percent ng mga nasirang transmission lines habang 30 percent sa mga electric cooperatives.
Marami aniyang ipinakalat na tauhan ang NGCP bukod pa sa tulong ng mga pribadong sektor.
Batay aniya sa report ng National Electrification Administration o NEA bagamat hindi pa tuloy tuloy nakapagsusuplay na ng kuryente ang labintatlong electric cooperatives.
Sa 939 na mga munisipalidad, 658 na ang nagkaroon ng suplay ng kuryente habang at pitumpu’t lima ang partially restored.
Ilan sa mga probinsyang matatagalan pa na ibalik ang suplay ng kuryente ay ang Palawan dahil may problema pa rin sa linya ng kuryente papunta sa mga planta.
Kasama na rito ang Bohol, Guimaras, Dinagat island,at Surigao Del Norte .
Meanne Corvera