Mas maraming outdoor activity kailangan umano ng mga taong malilimutin – ayon sa pag aaral
Madalas mo bang maranasan na nakalilimot ng mga bagay bagay?
Hindi ka na na gaanong nasisikatan ng araw?
Kung oo ang sagot mo….iyan umano ang dahilan kung bakit madalas kang makalimot ng mga bagay bagay.
Ayon sa pag-aaral sa China, maaaring kailangan lang umano ng mas maraming outdoor activity upang malantad sa sikat ng araw.
Makatutulong daw ito upang mahasa ang memorya ng isang tao.
Nadiskubre ng mga siyentista sa University of Science and Technology of China na ang moderate UV exposure ay nakapagpapatalas ng memorya at nakatutulong para mas madaling matuto, sa pamamagitan ng novel glutamate bio-synthetic pathway sa utak.
Ang nadiskubre ay inilathala kamakailan sa academic journal na cell.