Mas maraming pangalan na kakandidato sa 2022 elections, inaabangan na umano ng mga botante
Marami pa umanong kandidato na dapat abangan ang mga botante para sa 2022 Presidential elections.
Ito ang iginiit ni Alliance of ConcernedTeachers (ACT) Partylist Rep. France Castro kasunod ng patuloy na pagputok ng pangalan ng mga mag-amang sina Pangulong Rodrigo Duterte at anak na si Mayor Sara Duterte para sa darating na halalan.
Giit ng militanteng mambabatas, sa halip na unahin ng Pangulo ang pag-udyok sa anak na tumakbo sa pagka-pangulo ay dapat unahin nitong tutukan ang lumalalang COVID-19 situation sa bansa.
Kahapon naitala ang pinakamataas na bagong kaso ng COVi na umabot sa mahigit 22,000.
Mula aniya nang pumutok ang pandemya noong nakaraang taon ay ilang beses nang nagkaroon ng surge ng kaso at ngayon ay mayroon pa ng mas nakakahawang Delta variant.
Ayon kay Castro, sawa na ang taong bayan sa style ni Duterte kaya naman tiyak na ang hanap ng publiko sa susunod na lider ng bansa ay kabaliktaran nito.
Tinawag naman nitong gimik lang ang ipinapakita ni Mayor Sara na kunwari ay hindi interesadong tumakbo sa 2022 elections pero may plano naman talaga itong kumandidato.
Matatandaang umani noon ng batikos ang pag-iikot ni Mayor Sara sa Cebu at Zamboanga City sa kabila ng mataas na kaso ng virus sa Davao City.
Maging si Manila Mayor Isko Moreno pinasaringan rin ito dahil malayo pa naman ang eleksyon.
Madelyn Moratillo