Mas maraming pulis, ipakakalat sa mga pampublikong lugar upang matiyak na nasusunod ang mga health protocol
Inatasan ni Philippine National Police (PNP) Chief, General Guillermo Eleazar ang lahat ng police chief sa bansa na magtalaga ng mas maraming pulis sa mga pampublikong lugar upang masigurong napipigilan ang maramihang pagtitipon na maaaring pagmulan ng super spreader events.
Ito ay kasunod ng mga napaulat na local transmission ng mas nakahahawang Delta variant ng Covid-19 sa bansa.
Ayon kay Eleazar magpapalabas siya ng kautusan na magoobliga sa lahat ng law enforcers na palakasin ang police visibility sa public places upang matiyak na nasusunod ang mga health protocol.
Maliban sa law enforcers, kailangan din ang tulong ng mga local official lalu na ang mga barangay workers.