Mas maraming work-from-home ipag-uutos ng France
Aatasan ng France ang mga kompanya na hangga’t maaari ay magpatupad ng kahit man lang tatlong araw na work-from-home bawat linggo, para mapigilan ang fifth wave ng Covid infections.
Ang bagong panuntunan na ipatutupad ng hindi bababa sa tatlong linggo, ay isa sa ilang inanunsiyo matapos ang isang crisis cabinet meeting tungkol sa bagong Omicron variant.
Ang pulong ay ginawa matapos iulat ng France nitong Sabado ang higit sa 100,000 daily Covid cases, kung saan maraming mga eksperto ang nagbabala na ang bilang ay maaaring mabilis pang tataas sa darating na mga linggo.
Ayon kay Prime Minister Jean Castex . . . “It all seems like a never-ending movie… but today thanks to our collective mobilisation, we are one of the most vaccinated countries in the world. Health pass for access to restaurants, cinemas and more would now only be available to fully vaccinated people — a recent negative Covid test for the unvaccinated will no longer be valid.”
Sa kasalukuyan, 78 percent ang nakatanggap na ng kahit isang shot man lang ng Covid vaccine, na ayon sa gobyerno ay kumakatawan sa 90 percent ng mga eligible para magpabakuna na sa kasalukuyan ay lahat ng mas matanda sa limang taon.
Muli ring inulit ni Castex ang panawagan sa mga tao na magpa-booster shot, na ngayon ay puwede nang ibigay tatlong buwan matapos mabakunahan ng mga unang dose ng bakuna.
Ang average number ng daily Covid deaths sa mga ospital ay tumaas ng 162 kada araw, kayat nasa 122,642 na ngayon ang mga naging biktima sa France simula nang mag-umpisa ang pandemya.
At ang mga bagong hakbang ay ginawa nang inanunsyo ni Environment Minister Barbara Pompili sa Twitter na siya ay nag-positibo sa Covid, pagkatapos magkaroon ng mga sintomas, at naka-self isolate.
Sinabi ni Castex na ang face masks na required na sa indoor public spaces, ay magiging mandaroty na rin sa lalong madaling panahon sa labas ng mga lansangan.
Muli ring ipatutupad ang capacity limits sa mga konsierto, sporting matches at iba pang events sa dalawang libong katao kung indoors at limang libo naman kung outdoors, na walang papayagang nakatayo.
Hindi rin papayagan ang pagkain at pag-inom sa loob ng mga sinehan, sporting venues, mga teatro o public transport kasama na ang mahabang biyahe ng tren.
Ngunit pinigil ng gobyerno ang pagpapaliban ng pagbabalik sa klase para sa mga mag-aaral noong Enero 3 pagkatapos ng mga pista opisyal, isang panukalang hiniling ng humigit-kumulang 50 mga doktor at manggagawang pangkalusugan sa isang open letter na inilathala noong katapusan ng linggo.
Sa layunin namang maiwasan ang mga kakulangan sa paggawa sa mga mahahalagang sektor tulad ng edukasyon at pangangalagang pangkalusugan habang tumataas ang bilang ng mga kaso, sinabi ni Castex na malapit nang bawasan ng gobyerno ang bilang ng mga araw ng quarantine na kinakailangan para sa mga taong ganap nang nabakunahan na na-expose sa infected individuals.