Mas mataas na presyo ng langis nakaamba sa susunod na linggo

Pinangangambahang pumalo pa sa 100 pesos kada litro ang presyo ng mga produktong petrolyo.

Pero sa abiso ng ilang kumpanya ng langis, bukod sa mahigit limang pisong dagdag singil ngayong araw, maaring magpatupad ng 12.80 pesos kada litro sa diesel habang 8.30 sa gasolina.

Sinabi ni Energy Secretary Alfonso Cusi, pataas talaga ang trend  dahil sa nagpapatuloy na girian sa pagitan ng Russia at Ukraine.

May epekto raw ito sa dikta ng presyo sa World market.

Bukod dito, tumaas rin aniya ang demand ng lahat ng mga bansa sa buong mundo dahil sa pagbubukas ng mga negosyo ngayong unti unti nang bumabangon sa epekto ng pandemya.

Malaking problema aniya ngayon ang kakulangan ng suplay na aabot sa isang milyong bariles kada araw dahil hindi maabot ng organization of petroleum exporting  countries  ang mataas na demand.

Nauna nang sinabi ng DTI na  dahil sa pagtaas ng presyo ng krudo asahan na ang domino effect nito sa mga produktong pagkain at serbisyo.

Sinabi pa ni Cusi malaking bagay rin kung tutulong rin ang  publiko na magtipid sa paggamit ng mga produktong petrolyo at bawasan ang pagbiyahe.

Kung bababa kasi ang pangangailangan sa krudo mapipilitan ang ilang kumpanya ng langis na iregulate ang presyo ng mga produktong petrolyo.

Meanne Corvera

Please follow and like us: