Mas matinding pagsabog ng Mt. Mayon, mahigpit na binabantayan ng Phivolcs
Preparasyon para sa isang ‘hazardous eruption’ ang aktibidad na ipinapakita ngayon ng bulkang Mayon.
Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum, ‘Strombolian eruption’ ang tawag sa ipinakikitang aktibidad ngayon ng bulkan at preparasyon ito sa mas malaki pang pagsabog.
Bagaman mas malakas ang nakikitang pagsabog ngayon sa bulkang Mayon kumpara noong 2006 at 2009, sinabi ni Solidum na malayo naman na mauwi sa napakalas na pagsabog gaya ng nangyari noong mga taong 1814 at 1897 na napakalayo ng inabot ng ash fall.
Ayon kay Solidum , posibleng ang aktibidad ngayon ng bulkang Mayon ay maging kahalintulad ng nangyari noong 2000 at 2001.
Bagaman tuluy-tuloy ang pagbuga ng abo, hindi pa aniya ito sapat para itaas sa level 5 ang alerto ng Mayon kung pagbabatayan ang kasalukuyang kondisyon nito.