Mas murang bigas mabibili na sa merkado matapos dumating ang biniling bigas mula Thailand
Malugod na ibinalita ng Malacañang na nakapasok na sa merkado ang biniling bigas ng pamahalaan mula sa Thailand na idadaan sa National Food Authority o NFA.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque nakarating na sa bansa at nasa merkado na ang 250 libong metriko toneladang bigas na binili ng pamahalaan at makabibili na ng mas murang bigas ang publiko.
Sinabi ni Roque na maglalaro sa 36 hanggang 38 piso kada kilo ang NFA Rice sa merkado na mas mababa sa mga mabibiling commercial rice.
Matatandaan na noong pepbero pa binili ng Pamahalaan ang 250 thousand metric tons ng bigas matapos mawalan ng supply ng bigas ang NFA na sinasabing naging dahilan ng pagtaas ng presyo ng commercial rice na iniinda sa ngayon ng mga mahihirap.
Ulat ni Vic Somintac