Mas mahigpit na seguridad, ipinatutupad sa Zambonga city kasunod ng pagsasailalim sa MECQ ng lunsod
Mahigpit na ipinatutupad ng pinagsamang puwersa ng militar at ng Zamboanga City Police Office (ZCPO) ang mga itinalagang checkpoints, coastal patrol at roving activities sa Zamboanga city.
Ngayong araw nag simula ng pagsasailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ng lunsod alinsunod sa Inter-Agency Task Force (IATF) Resolution No. 114.
Batay sa datos ng City Health office as of May 8, umakyat na sa 7,462 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa lunsod na may 2,012 active cases.
Nasa 5,102 naman ang recoveries at 287 ang mga namatay sanhi ng virus infection.
Ilan sa mga Barangay na may pinakamaraming aktibong kaso ay ang mga sumusunod:
Calarian (171 active cases, Tetuan (146), Sta. Maria (134), Tumaga (112), San Roque (100), Guiwan (96), Talon-talon (95), Putik (82), Pasonanca (81), San Jose Gusu (62), Tugbungan (62) Canelar (61), San Jose Cawa-cawa (54), Baliwasan (53), Sinunuc (47), Mercedes (40), Cabatangan (35), Sta. Catalina (35), Divisoria (34) at Boalan (34).
Hanggang nitong May 7, nakapagtala ang pulisya ng 409 mga lumabas sa ipinaiiral na quarantine protocol.
Kabilang sa mga paglabag ay hindi pagsusuot ng face shield, hindi pagsunod sa social distancing at paglabag sa curfew.
Pero ayon sa ZCPO, hindi lamang panganib ng Covid-19 ang kanilang binabantayan kundi maging ang banta sa seguridad.