Mas simpleng donors tax rate lusot na sa kamara
Lusot na sa pinal at ikatlong pagbasa sa kamara ang panukalang naglalayong gawing simple ang Donor’s Tax Rates.
Sa botong 221, nakalusot na sa mababang kapulungan ang House Bill 4903 na nagpapataw ng Unitary Tax Rate na 6% sa lahat ng regalo o donasyon na hihigit sa isang daang libong piso ang halaga.
Aamiyendahan nito ang section 99 ng National Internal Revenue Code.
Sa ilalim ng kasalukuyang sistema— libre sa tax ang ₱100,000 at 2%, 4%, 6%, 8%,10%,12% at 15% depende sa bracket ng halaga ng regalo.
Kung estranghero naman o hindi kamag-anak ang isang benepisyaryo ay 30% ang tax na babayaran.
Sa ilalim ng bagong panukala, itinatakda ang ibat ibang porsiyento ng buwis sa regalo o anumang donasyon na hihigit ang halaga sa isang daang libong piso.
Ulat ni : Madelyn Villar-Moratillo