Masakit ba ang iyong tummy?
Magandang araw sa lahat!
Masakit ba ang iyong tiyan, kapitbahay?
Naitanong ko kasi nakakuwentuhan natin si Dr. Michael Tan, Gastroenterologist sa ating programang Kapitbahay.
Ang sabi ni Doc Michael, maraming dahilan kung bakit sumasakit ang tiyan.
Maaaring nararanasan ang pagsakit ng tiyan dahil sa ulcer (sumasakit ang sikmura after eating); puwedeng may problema sa apdo o gallstones (mga bato na nagbabara); o kapag namamaga ang pancreas o lapay ( pancreatitis ).
Sabi ni Doc, ang karaniwang inirereklamo ng kaniyang mga pasyente ay reflux o ang GERD (gastroesophageal reflux disease).
Ang sintomas nito ay humahapdi ang sikmura at may mainit o maasim na nararamdaman mula sikmura umaakyat sa dibdib at minsan ay nalalasahan pa .
Ang iba pang sintomas na maaaring maobserbahan na nangangailangang ipatingin o ipasuri na sa manggagamot ay kapag dumumi ng dugo o maitim ang dumi.
Kapag mahirap dumumi o chronic constipation o chronic diarrhea.
Ito ‘yung mahirap dumumi at ilang araw dumi ng dumi o alternating bowel movement.
Gayundin , kapag naninilaw o may problema sa apdo.
Samantala nagbigay ng ilang tips si Doc Michael kapag constipated ang isang tao.
Kapag 30 years old pababa, karaniwang dahilan ay sa kinakain.
Malaking tulong ang pag-inom ng maraming tubig; kumain ng fiber rich foods (gulay at prutas ); every morning, kailangang dumumi after kumain ng breakfast .
Ngayon, kapag hindi tumalab ang home remedies, puwedeng magtake ng laxatives o gamot para ma -stimulate ang tiyan na dumumi.
Sa mga elderly o mga nagkakaedad na, more than 45 years old and above, kapag may sintomas ng constipation, mabuting pa-eksamin dahil sa ganitong edad ay common ang anatomical problems and more severe conditions like colon cancer.
Sana mga kapitbahay huwag po nating ipagwalang -bahala ang mga paalalang ito sa atin.
Hanggang sa susunod po!