Masakit ba ang Kasukasuan mo?
Kapag malamig ang panahon, ang karaniwang problema ay ang pananakit ng kasukasuan.
Ang sakit pag-umatake ang rayuma. Paano nga ba I-manage ang arthritis?
Hayaan nating sumagot ang isang espesyalita, si Dr.Rylan Flores, M.D. Orthopedic Surgeon.
Ang sabi ni Doc Rylan, kapag sinabing sakit sa kasukasuan, in general, arthritis ang tawag. Ang arthritis ay “coined” mula sa two latin words, ang arthro (joints) at itis ( inflammation o pamamaga). Kaya sa madaling salita, pamamaga ng kasukasuan.
May iba’t ibang dahilan kung bakit sumasakit ang kasukasuan at isa na rito ay dahil sa rheumatoid arthritis.
Binigyang-diin ni Doc Rylan na hindi lahat ng nirarayuma ay rheumatoid ang origin. Ang rheumatoid arthritis ay galing sa dugo, at hindi talaga alam kung ano ang ’cause’ nito.
Samantala, hindi lamang pananakit ng kasukasuan ang sintomas ng rheumatoid arthritis, meron pang iba, pwedeng may problema sa puso, o sa iba’t ibang parte ng katawan, o minsan dahil sa simpleng lagnat.
Kahit bata anya ay pwedeng magka rheumatoid arthritis, ang tawag dito ay juvenile rheumatoid arthritis. Ibig sabihin, ang sintomas na nakikita sa mga may edad, pwedeng makita kahit sa dalawang taong bata.
Para malaman kung rheumatoid arthritis ay kinukuhanan ng dugo o ang tinatawag na rheumatoid factor. Ang problema nga lang sa rheumatoid factor kung nagpositibo, tiyak na rheumatoid arthritis, subalit pag nag negative, hindi nangangahulugan na wala ngang rheumatoid arthritis.
Sabi ni Doc Rylan, 50% of the time, ay negative ito. Kaya nga mas mabuting makita na nila at masigurado na ito nga ang problema.
Binigyang-diin ni Doc na walang gamot sa arthritis. Ang magagawa lang anya ng mga duktor ay una, maibsan ang kirot o pain; pangalawa, mapabagal ang progression ng sakit. Kaya nga mahalaga na merong mga internist o rheumatologist na ang espesyalidad ay rheumatism.
Dapat din anyang malaman na may iba pang sakit na rheumatism ang main cause, gaya ng systemic lupus, psoriatic arthritis, hindi lamang ito sakit sa balat kundi pati sa joints. Napakarami anyang rheumatism types of diseases.
Banggit pa ni Doc na hindi dapat na ipagwalang bahala ang mga pananakit ng kasukasuan na ito o rheumatoid arthritis. Ang mahirap kasi ay kapag lumala na at hindi ka na halos makakilos ng maayos. Tunay na napakasakit at napakahirap kumilos. Simpleng pagpunta sa banyo ay hirap na hirap, ultimo sa pagsesepilyo, kahit ang magsuklay ng buhok. Sa rheumatoid arthritis ang mga daliri, siko, balikat, ay apektado.
Samantala, iba ang osteoarthritis na karaniwang matatanda ang apektado habang sa rheumatoid, kahit bata ay maaaring maapektuhan.
Dapat anyang maging aware tayo sa ating nararamdaman, at kahit sa ating mga anak. Kapag nadadalas ang pagdaing nila na masakit ang kasukasuan, huwag nating ipagwalang bahala. Mahalaga ay ma-identify ng maaga kung rheumatoid arthritis ang nararamdaman ng bata.
So, masakit ba ang iyong kasukasuan kapitbahay? Ito po ang inyong kapitbahay, si Julie Fernando!