Masakit ba ang ulo mo? Baka may mali sa ngipin mo
Malaki ang kinalaman ng ngipin sa pagsakit ng ulo. Pero, ang common knowldege iba ang dahilan ng pagsakit ng ulo at hindi ang ngipin.
Ang pagsakit ng ulo ay maaaring normal na nararamdaman subalit kapag madalas hindi na mabuti.
At isa sa posibleng dahilan nito ay ang bad bite, ibig sabihin hindi nagtutugma ang mga ngipin sa itaas at ibaba, kulang-kulang ang ngipin o may extra na ngipin kaya matindi ang tensyon o malakas ang tensyon ng ngipin, nanggigil palagi na compression ang ginagawa sa ugat sa ulo, kaya ang resulta ang pagsakit ng ulo.
Maaaring sabihin na wala namang tooth decay kaya lang bad bite naman, kaya may mali. Maaari din naman na wala na kasing bagang kaya ang untog ay malakas. Kapag ngumunguya sa ‘base’ ng ulo ang untog, kasi walang sangga.
Pero kadalasan ay hindi talaga alam na dahil sa ngipin kaya sumasakit ang ulo. Ang iniisip kasi natin agad ay … gutom kasi ako e… o hindi kaya ay … kulang kasi ako sa tulog, puyat.
Kahit sa teeth grinding, hindi nakakapagpahinga kaya ang ugat sa ulo ay nagugulo. Hindi katakataka na paggising sa umaga, masakit ang ulo.
Kapag ang kagat ay traumatic, nagbubungguan, resulta ay sakit ng ulo na hindi alam ng maarami.
Kapag naiayos o naitama, mababawasan hanggang mawala na ang sakit ulo.
Ang ngipin ay precise, may tamang posisyon, may tamang numero, kapag naayos mawawala ang pagsakit ng ulo.
Ang ginagawang treatment ng functional dentist ay decompression. Ang nangyayari sa kagat dahil bad bite nga ay compression, iniipit ang ugat araw-araw.
End