Mass Testing sa mga Railway personnel, nagpapatuloy
Tuluy-tuloy ang ginagawang mass testing para sa mga Railway personnel upang matiyak ang kaligtasan ng mga mananakay.
Nauna nang ipinag-utos ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang mass testing sa mga empleyado ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3, Light Rail Transit (LRT) Lines 1 and 2, at ng Philippine National Railways (PNR) at sundin ang isolation at quarantine kung kinakailangan.
Sa kasalukuyan mula nang magbalik ang operasyon ng MRT-3 noong Abril 5, 2021 ay limitado pa rin ang kapasidad ng mga pasahero at nasa 10 hanggang 12 tren lamang ang bumibiyahe.
Ang LRT- line 2 naman ay nasa 5 tren ang bumibiyahe at 17 tren naman ang sa LRT- 1.
April 12 naman nang magresume ng operasyon ang PNR at nasa 10-12 tren ang bumibiyahe.
Sa datos ng DOTr, umaabot na sa 1,168 ang naisailalim sa testing sa LRT-1, 1,934 naman sa LRT-2, 1,507 sa MRT-3 at 1,287 sa PNR.