Mass testing sa mga suspected case sa Mandaluyong city inumpisahan na
Sinimulan na ang mass testing para sa mga hinihinalang nahawahan ng Covid- 19 sa Mandaluyong city.
Ayon sa Mandaluyong City LGU, isinagawa ang test sa mga pasyente sa swabbing station sa lungsod.
Ang mga nakolektang specimen ay ipo-proseso naman ng Philippine Red Cross gamit ang kanilang molecular laboratory.
Nasa 200 pasyente ang naserbisyuhan sa unang araw ng mass testing sa Mandaluyong.
Sa pinakahuling tala, umabot na sa 317 ang kumpirmadong kaso ng Covid 19 habang 711 ang suspect cases sa Mandaluyong.
Tiniyak ng lokal na pamahalaan na patuloy na nakatatanggap ng food assistance ang mga suspect case habang naka-home quarantine.
Ulat ni Moira Encina