Master plan, isusumite kay Pangulong Duterte ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez sa pagbili ng bakuna kontra Covid-19
Binuo na ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez ang Master Plan para sa pagbili ng anti -Covid 19 vaccine sa sandaling available na ito sa merkado.
Sinabi ni Secretary Galvez ang master plan ay isusumite kay Pangulong Rodrigo Duterte para pagtibayin.
Ayon kay Galvez ang master plan ay kinapapalooban ng pagpili ng bakunang bibilhin kaya kasama sa plano ang mga opisyal ng Department of Health o DOH, Department of Science and Technology o DOST at Food and Drug Administration (FDA).
Inihayag ni Galvez kasama sa master plan ang negosasyon sa bansang bibilhan ng bakuna ganun din ang pag-iimbak kaya mayroon naring inihandang consurtium agreement sa dalawang Pharmaceutical companies na Zuellig at Unilab dahil sila ang may akmang storage facilites at sa distribution process naman ay mayroon na ring koordinasyon sa mga Local Government Units sa pamamagitan ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Niliwanag ni Galvez na nakalagay sa master plan na mula sa pag-aangakat ng bakuna, storage at distribution ay pawang logistical procedure subalit pagdating sa execution o pagbabakuna na isang medical procedure ay ipapaubaya na sa mga medical expert ng DOH.
Vic Somintac