Master plan sa rehabilitation ng Marawi inihahanda na ng Malakanyang

Ikinakasa na ng Malakanyang ang master plan para sa rehabilitasyon ng Marawi City na sinira ng bakbakan ng tropa ng pamahalaan at mga teroristang Maute group.

Sinabi ni Public Works Secretary Mark Villar sa briefing sa Malakanyang na inihahanda na ng kanyang tanggapan ang mga plano sa gagawing pagbangon ng Marawi City mula sa pagkawasak dahil sa giyera.

Ayon kay Secretary Villar sa ngayon hindi pa matukoy ang eksaktong pinsala sa mga imprastraktura dahil hindi pa nila mapasok ang Marawi City sapagkat hindi pa tuluyang nababawi ang lungsod sa kamay ng mga terorista.

Inihayag ni Villar na pangunahing pagtutuunan ng pansin ng rehabilitasyon sa Marawi City ay ang mga pasilidad sa mga evacuation center para sa pangangailangan ng mga evacuee gayundin ang mga housing project para sa mga residenteng nawalan ng tahanan.

Tiniyak ni  Villar na ang inilaang 20 bilyong pisong pondo ni Pangulong Duterte para sa rehabilitasyon ng Marawi City ay mapupunta sa kinauukulang proyekto.

Ulat ni: Vic Somintac

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *