Mataas na disposition rate ng hudikatura sa mga kaso ngayong taon, ipinagmalaki ng SC
Ibinida ng Korte Suprema ang mga nakamit nito ngayong taon.
Sa SC Meets the Press, inihayag ni Supreme Court spokesperson Atty. Camille Ting, na naging produktibo ngayong 2024 ang hudikatura.
Isa aniya sa mga pangunahing achievement ng hudikatura, ay ang mataas na case disposition rate o ang mga kasong naresolba ng mga hukuman.
Sa tala ng SC, nakapag-dispose ito ng 4,294 na mga kaso hanggang noong September 30 0 22% disposition rate.
Ang Court of Appeals naman ay nakaresolba ng 14,699 na mga kaso o 35% disposition rate hanggang noong November 30.
Ang Sandiganbayan naman ay 994 na mga kaso o 44% disposition rate habang ang Court of Tax Appeals ay 648 na mga kaso o 29% disposition rate.
Umaabot naman sa 508,197 na mga kaso ang naresolba ng mga mababang korte o katumbas ng 43% disposition rate.
Moira Encina-Cruz