Mataas na seismic activity, tinitingnan ng Phivolcs kaya sunud-sunod ang malalakas na lindol sa Mindanao
Ilang mga gusali na tinamaan na ng mga naunang lindol sa Mindanao ang tuluyan nang nagsiguho matapos muling yanigin ng isa na namang panibagong malakas na lindol ang North Cotabato kaninang umaga.
Ayon kay National Disaster Risk Reduction ang Management Council (NDRRMC) Spokesperson Mark Timbal, nagpapatuloy ang rescue operation sa mga posible pang na-trap sa mga gumuhong gusali.
Nagpadala na ng rescue personnel at iba pang augmentation forces ang Kidapawan city para sa hotel na gumuho doon.
Sa gitna ng sunud-sunod na malalakas na paglindol, payo ng NDRRMC sa publiko na manatiling kalmado pero nakaalerto at iwasang sumilong sa mga istrukturang napinsala na ng lindol.
Samantala, patuloy namang inaalam ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) kung saang mga active faults sa Mindanao ang pinagmulan ng sunud-sunod na lindol.