Matagal nang hinihintay na mpox vaccine dumating na sa congo
Natanggap na ng Democratic Republic of Congo ang unang batch ng mpox vaccines, na inaasahan ng health authorities na makatutulong upang mapigilan ang isang outbreak na nagtulak sa U.N. na magdeklara ng isang global public health emergency.
Ang Congo ang sentro ng naturang outbreak, na kumalat sa mga katabi nitong bansa at maging sa iba pang bansa, at ang kakulangan ng mga bakuna sa Africa ay humadlang sa mga pagsisikap nito na pigilin ang pagkalat ng minsan ay nakamamatay na sakit.
Ang eroplanong may dala sa mga bakuna na gawa ng Bavarian Nordic at donasyon ng European Union, ay lumapag sa Kainshasa, kabisera ng bansa bandang alas-13:00 (local time).
Sinabi ni Congo health minister Samuel Roger Kamba Mulamba, na ang bagong dating na mga bakuna ay napatunayan na ang bisa sa Estados Unidos, at ituturok ito sa mga may hustong edad sa Congo.
Aniya, “We know which provinces are heavily affected, notably Equateur and South Kivu. The idea is to contain the virus as quickly as possible.”
Ang unang delivery ng 99,000 doses at dagdag pang delivery na inaasahang darating naman bukas, Sabado ay may kabuuang 200,000 doses, ayon kay Laurent Muschel, ang pinuno ng EU Health Emergency Preparedness and Response Authority (HERA).
Sinabi ni Muschel, na sa kabuuan, target ng Europe na makapag-deliver ng 566,000 doses sa anumang bansa sa rehiyon ng Africa kung saan ito mas higit na kailangan mas higit itong kailangan, “Based on the number of cases, the next country (for deliveries) should be Burundi, but the country’s medical agency must authorise it.”
Ang pagdating ng bakuna sa Congo ay dapat na maging simula upang matugunan ang malaking kakulangan na nagbunsod upang mawalan ng access ang mga bansa sa Africa sa dalawang shots ng bakuna na ginamit sa global mpox outbreak noong 2022, habang malawakan naman itong available sa Aeurope at sa Estados Unidos.
Ayon sa Congo, ilulunsad nito ang kanilang vaccination campaign sa Oktubre 8, upang bigyang ng panahon ang maigting na awareness-raising campaign, para malabanan ang kawalan ng tiwala ng ilang komunidad.
Ang Mpox ay karaniwang nagdudulot ng mga sintomas na tulad ng trangkaso at mga sugat na puno ng nana, at maaaring ikamatay.
Mayroong 19,710 hinihinalang kaso ng mpox na iniulat sa Congo sa unang walong buwan ng taong ito, ayon sa health ministry. Sa mga ito, 5,041 ang nakumpirma at 655 na ang nasawi.
Kumakalat ito sa pamamagitan ng close contact, kabilang na ang pakikipagtalik.