Matataas na aktibidad patuloy na naitatala sa Mayon Volcano
Patuloy na nakapagtatala ng matatas na aktibidad sa Bulkang Mayon.
Sa bulletin ng PHIVOLCS kaninang alas-singko ng umaga, nakapagtala ng 3 Volcanic Earthquakes sa Bulkan sa nakalipas na bente cuatro oras.
Nakapagtala rin ang PHIVOLCS ng 76 rockfall events at isang Pyroclastic Density current event.
May naitala rin na 3.4 kilometers na mabagal na pagdaloy ng lava sa Bonga Gully, 2.8 km sa Miisi Gully at 1.1 km sa Basud gully.
May pagguho din ng lava ng hanggang 4 km mula sa crater nito.
Ang Sulfur Dioxide ay nasa 878 tonnes per day ang ibinuga at ang Plume o katamtamang pagsingaw ay napadpad sa kanluran.
Nananatiling nasa Alert Level 3 ang Bulkang Mayon kaya ipinagbabawal pa rin ang pagpasok sa 6 kilometer Radius Permament Danger Zone ng Bulkan at pagpapalipad ng anumang Aircraft malapit sa Bulkan.
PHIVOLCS