Maternal mortality rate sa bansa, nakaka-alarma pa rin

Nakakaalarma pa rin hanggang sa kasalukuyan ang patuloy na pagtaas ng Maternal mortality rate sa bansa.

Sa kabila ito ng maraming programa na inilulunsad ng Department of Health o DOH at iba’t-ibang mga Local government units at Non-governmental organizations o NGOs.

Ayon sa Philippine Obstetrical and Gynecological society o POGS, nagpapatuloy din ang kanilang mga programa na may kaugnayan sa Maternal mortality rate.

Ang maternal mortality ay nangangahulugan ng pagkamatay ng isang babae sanhi ng komplikasyon sa pagbubuntis at panganganak.

Sinabi naman ni Dra. Hermie Maglaya, OB-Gynecologist sa East Avenue Medical center, mahalagang napangangalagaan ng isang ina ang kaniyang sarili sa buong panahon ng kaniyang pagbubuntis.

“Pregnancy itself ay napakahalaga, kasi dahil dito nagkakaroon tayo ng mga kabataan at ang future ng ating mga kabataan ay nagdedepende sa nagbubuntis na ina. Sabi natin, pag ang world being ng ina ay maayos, ibig sabihin para siyang programming, ang pagbubuntis ay programming, meaning kung ano ang nutrisyon natin at kalagayan ng bata sa loob habang sila ay nasa sinapupunan natin, yun sila paglaki”.

Binigyang-diin pa ni Dra. Maglaya na maaari namang maiwasan ang Maternal mortality sa pamamagitan ng Cost-effective health care services.

 

Ulat ni Belle Surara

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *