Matinding banta ng terorista sa Jolo at Zamboanga ginamit na batayan ng Pangulo sa Martial Law extension

Bukod sa grupong Maute na nasa Marawi, matindi rin ang banta sa terorismo sa Zamboanga at Jolo.

Ayon kay Senate Majority Leader Vicente Sotto, ito ang dahilan kaya hiniling ng Pangulo sa Kongreso na palawigin pa ng animnapung araw ang Martial Law sa Mindanao.

Sinabi ni Sotto na binanggit ng Pangulo sa briefing sa Malacanang ang ilang detalye ng hawak nitong intelligence information hinggil sa banta ng terorismo sa dalawang lalawigan.

Pangamba ng Senador, mas magiging malala sa Marawi ang sitwasyon kung hindi kikilos ang Kongreso at hindi aaprubahan ang Martial Law.

Pagkatapos ng briefing marami aniya ang nakumbinse na kailangang palawigin pa ang Martial Law sa Mindanao.

Tiniyak ni Sotto na tuloy na ang joint session ng dalawang kapulungan ng Kongreso sa Sabado.

Ang nakikita lang na problema ng sSnado ay ang isyu ng joint voting pero iiwasan nila ang mahabang debate.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *