Matinding buhos ng ulan dulot ng Bagyong Maring mararamdaman mamayang hapon hanggang gabi – PAGASA

Inaasahang mamayang hapon hanggang gabi ang pinakamatinding buhos ng ulan dahil sa bagyong Maring.

Ayon sa PAGASA bandang alas-4:00 ng hapon maaaring tumama ang mata ng bagyo sa Aurora o Quezon province.

Huling namataan ang sentro ng sama ng panahon sa layong 80 km hilagang bahagi ng Daet, Camarines Norte.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 kph at may pagbugsong 65 kph.

Kumikilos ito nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 11 kph.

Dahil dito, nakataas na ang tropical cyclone signal number one (1) sa :

Metro Manila, Catanduanes, Camarines Norte, Camarines Sur, Nothern Quezon, kasama na ang Polillo Island, Rizal, Bulacan, Pampanga, Quirino, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Benguet, La Union, Tarlac, Zambales, Bataan, Pangasinan, Laguna, Quirino at Aurora.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *