Matinding political will kakailanganin para maging competitive ang Agrikultura ng Pilipinas
Inilatag na ng Department of Agriculture ang mga posibleng solusyon para maresolba ng susunod na administrasyon ang kakapusan sa suplay ng pagkain.
Inamin ni Outgoing Secretary William Dar na “perfect storm” ang kakaharapin ni Pangulong Marcos sa sektor ng Agrikultura dahil sa epekto ng nangyayaring giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine at ang matinding epekto ng Climate change.
Kasama sa kaniyang rekomendasyon ang buffer stock ng bigas sa mga Local government units sa loob ng tatlumpung araw at magkaroon ng food market terminal sa mga rehiyon.
Kailangan ring maibaba pa ang production cost ng palay at mapromote ang Agri fishery.
Sinabi ni Dar nakapaloob ito sa kanilang 10 year modernization plan na isusumite nila sa susunod na administrasyon.
Kinakailangan aniya ang matinding political will para maging competitive ang agrikultura ng Pilipinas sa buong mundo.
Meanne Corvera