Maulap na papawirin, asahan ngayong araw sa bahagi ng Mindanao at Palawan dahil sa LPA
Nasa bahagi na ng Zamboanga Peninsula ang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ng Pag-Asa.
Huling namataan ang LPA sa 60 kilometers Northeast ng Zamboanga City.
Nananatili pa rin ang tsansa na maging bagyo ang sama ng panahon.
Inaasahang magdadala pa rin ng mga pag-ulan ang LPA sa bahagi ng Mindanao at Palawan kasama ang Kalayaan Islands.
Samantala, maalinsangang panahon pa rin ang patuloy na mararanasan sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas dahil sa Easterlies.
35 degree celsius ang inaasahang temperatura ngayong araw sa Metro Manila.
Please follow and like us: