Maulap na papawirin, iiral sa Mindanao at ilang bahagi ng Visayas dahil sa epekto ng ITCZ

Magiging maulap ang papawirin sa Mindanao at ilang bahagi ng Visayas partikular sa Eastern Visayas sanhi ng umiiral na Inter-Tropical Convergence Zone (ITCZ).

Sa nalalabing bahagi naman ng bansa kasama na ang Metro Manila ay maalinsangan at maaliwalas na panahon ang iiral dahil sa Easterlies maliban na lamang sa mga isolated rainshowers sanhi ng thunderstorms.

Ayon sa Pag-Asa, tumataas na ang tsansa ng mga panandalian at dagliang mga pag-ulan sa Metro Manila.

Wala namang inaasahang bagyong posibleng pumasok sa bansa sa susunod na tatlong araw pero pinag-iingat ang publiko sa matinding init na maaaring maranasan.

Sa Metro Manila, inaasahang papalo ng hanggang 34 degree celsius ang maximum temperature kaya sa mga lumalabas ng bahay ay tiyakin na may dalang panangga sa sikat ng araw at iwasan ang matagalang exposure sa araw upang maiwasan ang dehydration o heat stroke.

Wala ring nakataas na gale warning kaya malayang makapaglalayag ang mga sasakyang pandagat.

\

Please follow and like us: