Maulap na papawirin, umiiral sa malaking bahagi ng bansa dahil sa Northeasterly surface windflow
Apektado ng Northeasterly surface windflow ang malaking bahagi ng bansa ngayong Lunes partikular ang Northern at Central Luzon.
Dahil dito, ayon sa Pag-Asa, ang Metro Manila ay makararanas ng bahagyang maulap na mamawirin na may kalat-kalat na pag-ulan.
Ganito ring kalagayan ng panahon ang iiral sa nalalabing bahagi ng bansa.
Posible pa rin ang mga thunderstorms sa dakong hapon at gabi.
Inaasahang sa Metro Manila ay maglalaro sa 25 to 33 degree celsius ang temperatura ngayong araw.
Samantala, sinabi pa ng Pag-Asa na wala silang namamataang namumuong sama ng panahon na maaaring makaapekto sa bansa sa susunod na 3 araw.