Maulap na papawirin umiiral sa malaking bahagi ng Luzon dahil sa Habagat
Habagat o Southwest Monsoon ang nakaaapekto sa malaking bahagi ng Luzon ngayong Huwebes.
Dahil dito, ayon sa PAGASA, maulap o makulimlim na panahon ang umiiral sa Ilocos Region, Cagayan Valley at Cordillera Region, Central Luzon at Metro Manila.
Habang sa Visayas at Mindanao ay maaliwalas na panahon ang umiiral pero may mga tsansa pa rin ng mga biglaang pag-ulan sanhi ng thunderstorms.
Ayon sa weather bureau, wala silang namomonitor na anumang sama ng panahon o bagyo sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibilit.
Dahil din sa malakas na hanging dala ng Habagat, nakataas ang Gale warning sa mga baybayin ng Occidental Mindoro kasama ang Lubang island, Western Coast ng Palawan kasama ang Kalayaan islands.
Pinaiiwas munang pumalaot ang mga may maliliit na sasakyang pandagat dahil sa maaalon na karagatan.
Ngayong araw, inaasahang papalo ng hanggang 31 degree celsius ang temperatura sa Metro Manila, 21 degrees sa Baguio city at 30 degrees sa Laoag at Tuguegerao city sa Cagayan.