May 2022 target revenue collection, nalampasan ng Customs bureau ng higit 20%

Inanunsiyo ng Bureau of Customs (BOC), na nakakolekta ito ng higit P68 bilyong halaga ng buwis para sa bansa nitong Mayo, lampas ng higit sa P11 bilyong target para sa naturang buwan.

Ayon sa kawanihan, ang P68.245 bilyong nakolekta ay katumbas ng 20.8% pagtaas mula sa paunang target na P56.478 bilyon.

Batay sa paunang ulat mula sa BOC-Financial Service, sinabi ng kawanihan na lumampas sa kanilang target ang 15 sa 17 nilang collection districts.

Ito ay ang Port of San Fernando, Port of Manila, MICP, Ports of Batangas, Legaspi, Iloilo, Cebu, Tacloban, Cagayan de Oro, Zamboanga, Davao, Subic, Clark, Aparril, at Limay.

Ayon sa kawanihan . . . “Among the factors which contributed to the positive performance of the BOC since January this year include the improved valuation, intensified collection efforts, measures preventing revenue leakage, and the recovering economy of the country.’

Pinuri naman ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero ang pagsisikap ng District Collectors at Customs personnel na aniya’y nagpakita ng kanilang commitment at dedikasyon sa serbisyo sa kabila ng panganib sa kanilang kaligtasan at kalusugan.

Sinabi ng BOC, na sa ngayon ay nakakolekta na sila ng P322.472 bilyon mula noong Enero, kumakatawan sa 47.5% ng 2022 annual target collection na P679.226 bilyon.

Please follow and like us: