May ari ng ni-raid na warehouse sa Valenzuela, haharap na sa susunod na pagdinig ng Kamara
Haharap na sa susunod na pagdinig ng Kamara ang may ari ng Hong Fei Philippines na sinasabing may ari ng ni-raid na warehouse sa Valenzuela kung saan nakuha ang bulto bultong shabu.
Ayon Kay House Committee on Dangerous Drugs Chair Ace Barbers base sa ipinasabi ng abogado ni Richard Tan o Chen Joo Long.
Nagsumite na rin aniya ang kampo ni Chen ng affidavit.
Ganoon din si Kenneth Dong na nagpasabi na rin umanong haharap sa susunod na pagdinig at nagsumite na ng affidavit.
Si Dong naman ang sinasabing financier umano ni Mark Taguba sa mga ipinangsuhol nito sa ilang opisyal ng BOC.
Samantala, humarap din sa pagdinig ang driver ng truck ng Golden strike na sina Jose Tugbo at Marvin Manuel.
Ang dalawa ang nagmaneho ng truck na may dala ng container van na idineliver sa warehouse ng Hong Fei.
Ayon sa dalawa hindi nila matukoy ang laman ng container van pero parang punong puno ito.
Nang silipin nila ang laman ay mga karton ang nakita nila at wala rin silang nakitang crate.
Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo