May bagong paraan sa paggawa ng itlog na maalat

logo

Marami nang bagong teknolohiya upang mas humaba ang shelf life ng ilang pagkain, tulad ng itlog na maalat na maaaring tumagal ng hanggang tatlong buwan na hindi nasisira.

Sa pag-gawa ng itlog na maalat, ang nakasanayan ng marami ay inilulubog ito sa putik o tinatawag na clay solution.

Ang ganitong proseso ay nagdudulot ng mataas na posibilidad ng pagkabulok.

Ito ay dahil nawawala ang kailangang moisture sa loob ng itlog na magiging sanhi ng mabilis na pagkasira nito.

Kaugnay nito, pinondohan ng DOST-Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources and Development o PCAARRD ang isang proyekto na ginawa ng mga mananaliksik mula sa UPLB, Los Banos Laguna.

Tinawag nila itong special film preservative kung saan ang ginamit ay harina na gawa mula sa ugat ng kamoteng kahoy at potassium sorbate.

Sa pag-aaral, nahaharang ng nasabing technology ang pagpasok ng micro-organism sa balat ng itlog.

Napipigilan nito ang kontaminasyon na nagiging daan naman upang hindi mawala ang moisture content sa loob ng itlog na kailangan upang ito ay hindi masira agad o mabulok.

Ang karaniwang shelf life ng itlog na maalat ay hanggang limang linggo lamang, ngunit dahil sa special film preservative mada-dagdagan ng pitong linggo ang shelf life ng salted egg, kung kaya, tatagal ang itlog na maalat ng hanggang labing dalawang linggo o tatlong buwan.

Tinitiyak ng mga researchers mula sa UPLB na ligtas na gamitin ang film preservative dahil ang ginamit ay cassava starch, distilled water at potassium sorbate.

Ang mga nabanggit ay pawang natural at hindi kemikal.
Kaya naman, maaari nang mag stock ng itlog na maalat upang gawing Ready To Eat Food ngayong panahon ng pandemya.

Source: DOST-PCAARRD

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *