May karapatan ang Pilipinas na tanggalin ang mga floating barrier na inilagay ng Chinese Coast Guard – DFA
Walang nakikitang masama ang Department of Foreign Affairs o DFA sa ginawang pagtatanggal ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa mga floating barrier na inilagay ng Chinese Coast Guard sa Scarborough Shoal
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, may karapatan ang Pilipinas na tanggalin ang naturang mga barrier dahil bahagi ito ng Exclusive Economic Zone o EEZ ng Pilipinas at kailangang ipaglaban ang ating soberenya
Pinag aaralan aniya ng DFA ang pagsasampa ang kaso laban sa panibagong hakbang ng China pero hinihintay pa ang report hinggil dito.
“Technically, we have a right to practice our sovereignty and our sovereign rights. So it would have been consistent with our position but we’re still waiting for the full report. We both recognize that we have differences in south china sea but we already said that we will not make that the only factor in our relationship with China. But nevertheless, it’s a difference. We have agreed to manage it. And so the challenge is how to manage it properly.” bahagi ng pahayag ni DFA Secretary Enrique Manalo
Samantala, kinumpirma ni Manalo na nagla-lobby na ang Pilipinas para makuha ang suporta ng mga bansa sa buong mundo para sa kandidatura at maging non-permanent member ng United Nations Security Council.
Ayon kay Manalo, kailangang makuha ng Pilipinas ang two third ng suporta ng mga kasapi ng United Nations General Assembly para mahalal at makaupo sa 2027-2028
Sakaling maupo sa UN Security Council magkakaroon aniya ng boses ang Pilipinas sa mga problema sa buong mundo gaya ng migration, climate change lalo na sa usapin sa West Philippine Sea
Ang UN Security Council ang nagpapatupad at nagmamantine ng international peace and security
Meanne Corvera