May pakana ng People’s Initiative pinalalantad ng mga Senador
Lumantad at umamin na kayong mga may pakana ng People’s Initiative.
Yan ang sagot ni Senador Francis Escudero sa panibagong hamon ng mga Kongresista sa mga Senador na magtapat na kung pabor o kontra sa pag- amyenda sa saligang batas.
Ayon kay Escudero, dapat bago magsalita umamin muna ang mga Kongresista na sila ang promotor ng pagkilos para mangalap ng pirma at paamyendahan ang saligang batas.
Iginiit ni Escudero na walang karapatan ang mga Kongresista na diktahan ang mga Senador lalo’t tinatalakay pa lang sa komite ang Resolution of both Houses no 6 na tumatalakay sa Economic provisions ng konstitusyon.
Bwelta naman ni Senador Bong Go, walang karapatan ang mga Kongresista na obligahin ang mga Senador at dapat igalang ang umiiral na Inter parliamentary courtesy.
Meanne Corvera