May pito pang Election related incidents ang naitala sa bansa – Comelec
Wala ng isang buwan bago ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa October 30…may 7 election related incidents na ang naitala sa bansa.
Ayon sa Comelec, ang pito na ito ay validated na.
Ibig sabihin kumpirmadong may kinalaman sa nalalapit na halalan ang naganap na karahasan.
Kabilang rito ang pagpatay ng kandidato sa pagka barangay captain sa Libon, Albay.
Indiscriminate firing sa Malabang, Lanao del Sur noong panahon ng filing ng Certificate of Candidacy.
Shooting incident sa Taal, Batangas na ikinamatay ng isang kapitan ng barangay.
Shooting incident sa Baleno, Masbate kung saan isang sibilyan ang nasawi, at kidnapping incident sa kaanak ng isang kandidato sa barangay sa Baloi, Lanao del Norte.
Tiniyak ng Commission on Elections na sa tulong ng pulisya at militar ay pinaigting nila ang pagbabantay para matiyak na magiging mapayapa ang gagawing BSKE.
Kada araw nasa higit 6 na lino umano ang mga nakatatag na Comelec Checkpoint na nagresulta sa pagkaka-aresto ng 1,108 indibidwal mula lang ito Agosto 28 hanggang Oktubre 3.
May 693 baril naman ang kanilang nakumpiska sa panahon ng checkpoint.
Madelyn Moratillo