May Stiff Neck Ka ?
Mga kapitbahay, problema n’yo rin ba ang stiff neck ?
Ano ba ang dapat gawin at bakit ba nagkaka stiff neck ?
Para makatulong kami sa inyo, kinausap natin si Dr. Rylan Flores, Orthopedic Surgeon, upang madagdagan ang kaalaman natin sa stiff neck .
Stiff neck, kapag hindi natin maikilos at napirmis sa isang lugar ang ulo na medyo paling.
Ang dapat kasi ang leeg ay nakatuwid at hindi nakatingala o nakatungo ang ulo .
Kapag stiff neck ang pinag -uusapan, hindi maiaalis na pag-usapan ang unan na ginagamit natin , mahalaga ang unan.
Sa nagsasabing hindi sila nag-uunan, ang masasabi natin ay dapat may unan.
Kapag wala kasing unan, ang tendency ay titingala ang ulo at dahil dito , mananakit ang leeg lalo pa kung hindi malikot matulog.
Kapag nag-uunan hindi lang ang ulo ang dapat na may unan kundi pati ang balikat.
Kapag umangat ang ulo , yung leeg dapat na nakatuwid pa rin .
Kung tatagilid sa kanan o kaliwa, ang layo ng clearance ng balikat at ulo kaya talagang dapat na may unan.
At kung sakaling nararamdaman na natin na magkaka stiff neck tayo , mag warm compress na kaagad.
Kahit 20 minutes paggising.
Now, you know, bakit nagkaka-stiff neck at kung ano ang puwede nating gawin.
Salamat sa lahat ng sumusubaybay sa Kapitbahay program tuwing Sabado ng alas sais ng umaga sa Radyo Agila DZEC.
Ito pong muli si Julie Fernando, ang inyong kapitbahay!