May tanong ka ba ukol sa taghiyawat?
Mga kapitbahay, kumusta na kayo? Sa ating programa sa Radyo Agila ay nakakuwentuhan natin si Doc Helen Verzosa Patawaran, isang dermatologist at kanyang ibinahagi ang ilang kaalaman ukol sa taghiyawat.
Bakit nga ba nagkakataghiyawat? Talaga bang pang problema lang ito ng mga teenager? Ang taghiyawat ayon kay Doc Helen ay something hereditary o genetic, so, ang factors na puwedeng mag-trigger ay kapag sobrang oily ng mukha ng isang teenager, hyperactive, sobrang stress at maaaring sa hormonal imbalance.
Kapag teenager ay mas common na nagiging active ang taghiyawat dahil sa overactivity ng mga ito. Subalit hindi nangangahulugan na kapag nagkakaedad ay hindi na magkakataghiyawat kung lagi namang na stress, o kulang sa tulog, hindi kumakain ng masustansiyang pagkain.
Mahalaga din na gumagamit ng mild cleanser bago matulog sa gabi at nalinis ang mukha at maglagay ng moisturizer. Samantala sa nagtatanong kung nakakaalis ba ng taghiyawat o ng pagiging oily ang paghihilamos ng malamig na tubig? Ang sabi ni Doc Helen, ay paghihilamos ng tubig na malamig ay hindi treatment, maaaring as a preventive measure.
Kailangan pa rin ang proper treatment. Kung oily, bawasan ang factors na nakakapagpa-oily ng face gaya ng matiyak na malinis na mabuti ang mukha bago matulog sa gabi. Bawasan ang stress at puwedeng makaapekto ang hormonal imbalance kahit ang pagpupuyat at hindi pagkain ng nutritious foods ay may epekto.
Paalala ni Doc Helen, kaiingat sa paggamit ng anomang inilalagay natin sa ating mukha lalo pa nga’t walang proper prescription ng duktor o dermatologist. Sana ay makatulong ang mga paalalang ito.
Please follow and like us: