Maynila, nagtalaga ng 75 sites para sa 3-day Bayanihan Bakunahan

May 75 site na itinalaga ang lokal na pamahalaan ng Maynila para sa 3 araw na National vaccination day na nagsimula ngayong araw.

Sa abiso ng Manila LGU, may 1st at 2nd dose vaccination na gagawin sa kanilang 44 na District Health Centers kung saan mga bakuna ng Sinovac at Astrazeneca ang ituturok.

May 18 Community School Sites rin ang itinalaga pero ito ay para sa 1st at 2nd dose vaccination ng Pfizer vaccine para sa mga kabataang nasa edad 12 hanggang 17 anyos.

May booster shot vaccination din para sa A1, A2 at A3 rito.Sa 6 na district hospitals ng Maynila, may 1st at 2nd dose vaccination ng Pfizer vaccine para sa mga kabataang nasa edad 12 hanggang 17 anyos.

Mayroon rin ditong 1st dose vaccination para sa A1 hanggang A5 at booster shot para sa A1 hanggang A3.

Mayroon ding bakunahan sa 4 na mall sites ito ay sa SM San Lazaro at Manila, Lucky Chinatown Mall at Robinson’s Manila.

Puwede ritong magpabakuna ang mga menor de edad para sa kanilang 1st at 2nd dose at 1st dose sa A1 hanggang A5.

May bakunahan din para sa mga menor de edad sa 3 private schools sa lungsod.

Bukas ang kanilang vaccination sites sa lahat residente man ng Maynila o hindi.

Para naman sa mas madaling proseso ng registration, bisitahin ang manilacovid19.ph para sa pagpaparehistro at upang magkaroon ng QR code.

Madz Moratillo

Please follow and like us: