Maynila, napabilang sa pinaka-stressful na lungsod sa buong mundo

Napasama sa listahan ng pinaka-stressful na lungsod sa buong mundo ang Maynila.

Batay ito sa isinagawang pag-aaral ng isang UK-based dry cleaning at laundry service na Zipjet at pumuwesto sa ika-10 ang Manila o katumbas ng 8.92 na rating.

Ang pag-aaral ay isinagawa sa 500 mga lugar sa mundo at sinuri ang mga ito batay sa lebel ng polusyon, bigat ng trapiko, public transportation, lawak ng green spaces at pinansyal, pisikal at mental na estado ng mga residente.

Nangunguna naman sa pinaka-stressful na siyudad ay ang Baghdad, Iraq sinundan ng Kabul, Afghanistan; Lagos, Nigeria; Dakar, Senegal; Cairo, Egypt; Tehran, Iran; Dhaka, Bangladesh; Karachi, Pakistan; at New Delhi, India.

Samantala, nanguna naman ang mga lungsod sa Europa sa mga lugar na mababa ang stress tulad ng Stuttgart, Germany; Luxembourg City, Luxembourg; Hanover, Germany; Bern, Switzerland at Munich, Germany.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *