Maynila pasok sa 2021 Global Mayors Challenge ng Bloomberg Philanthropies
Kinilala ang Lungsod ng Maynila bilang isang ‘Champion City’ sa 2021 Global Mayors Challenge ng Bloomberg Philanthrophies kasunod ng ‘urban innovations’ na ipinatupad ng lokal na pamahalaan sa gitna ng COVID 19 pandemic.
Ang Maynila ang nag-iisang Lungsod sa Pilipinas na nakabilang sa mga kinilala bilang Champion City sa Asia Pacific Region.
Aabot umano sa 631 mula sa 99 na bansa ang lumahok dito.
Kabilang sa mga programang inilunsad ng Manila LGU Manila ang ‘Go Manila’ application na isang ‘comprehensive data infrastructure’ kung saan mas pinadali ang business transactions sa lungsod.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, maging mga mahihirap ay natutulungan din ng ‘Go Manila’ sa pamamagitan ng digital education.
Matatandaang una naring kinilala ang LGU Manila bilang ‘Most Competitive Highly Urbanized City’ batay sa 2020 Cities and Municipalities Competitive Index.
Madz Moratillo